1 Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap.
2 Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili.
3 Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.
4 Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.