4 Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay dahil sa karunungan.
5 Ang karunungan ay higit na mabuti kaysa kalakasan. At ang kaalaman ay kapangyarihan.
6 Ang digmaa'y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pagpaplano sapagkat ang tagumpay ay bunga ng mabuting payo.
7 Ang malalim na kasabihan ay di mauunawaan ng mangmang. Wala itong masasabi sa mahahalagang usapan.
8 Ang mahilig sa paggawa ng masama ay tinatawag na puno ng kasamaan.
9 Anumang pakana ng masama ay kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa.
10 Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina.