9 Kung may alitan kayo ng iyong kapwa, ilihim at lutasin agad at baka lumala.
10 Baka ito ay malantad sa kaalaman ng madla at kayo'y malagay sa kahiya-hiya.
11 Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.
12 Ang magandang payo sa marunong makinig ay higit na di hamak sa ginto o mamahaling alahas.
13 Ang sugong tapat ay kasiyahan ng nagsugo sa kanya, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.
14 Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.
15 Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.