14 Ang pahiyaw na pagbati bilang panggising sa kaibigan ay para nang sumpang binibitiwan.
15 Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila.
16 Mahirap siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.
17 Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.
18 Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang aliping may malasakit ay pararangalan naman ng kanyang panginoon.
19 Kung paanong ang mukha ay nalalarawan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip.
20 Ang nasa ng tao'y walang katapusan, tulad ng libingan, laging naghihintay.