1 Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol,ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon.
2 Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala,ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa.
3 Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiilay tulad ng ulang sumisira sa pananim.
4 Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas,ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad.
5 Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan,ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.
6 Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.