15 Ang masamang hari ay tila leong mabagsikat nakakatakot na parang osong mabangis.
16 Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit;ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig.
17 Ang pumatay sa kapwa ay humuhukay ng sariling libingan,at ang taong ito'y di dapat tulungan.
18 Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan,ngunit ang masama ay biglang mabubuwal.
19 Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag,ngunit naghihirap ang taong tamad.
20 Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala,ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya.
21 Ang paghatol nang may kinikilingan ay hindi mainam,ngunit dahil sa suhol may hukom na gumagawa ng ganitong kasamaan.