20 Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala,ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya.
21 Ang paghatol nang may kinikilingan ay hindi mainam,ngunit dahil sa suhol may hukom na gumagawa ng ganitong kasamaan.
22 Ang kuripot ay nagmamadaling yumamanni hindi iniisip na kahirapan ay daratal.
23 Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatankaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.
24 Ang anak na ninakawan ang kanyang magulang at sasabihing ito'y hindi kasalanan,ay masahol pa sa karaniwang magnanakaw.
25 Ang taong gahaman ay lumilikha ng kaguluhan,ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan.
26 Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang,ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan.