3 Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiilay tulad ng ulang sumisira sa pananim.
4 Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas,ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad.
5 Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan,ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.
6 Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.
7 Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral,ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.
8 Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuanay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan.
9 Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.