6 Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.
7 Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral,ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.
8 Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuanay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan.
9 Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.
10 Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasamaay mabubulid sa sariling pakana,ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.
11 Ang palagay ng mayaman ay marunong siya,ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.
12 Kapag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang lahat ay nagdiriwang,ngunit kung ang pumalit ay masama, lahat ay nasa taguan.