1 Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;
2 upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,at maging masagana sa lahat ng kailangan.
3 Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
4 Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,at kikilalanin ka ng mga tao.
5 Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
7 Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.