16 Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.
17 Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman,at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw.
18 Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan,para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.
19 Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig,sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.
20 Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig,pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.
21 Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita.
22 Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay.