3 Di ako nakapag-aral, kaya ako ay mangmang,walang karunungan, walang alam sa Maykapal.
4 Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan?Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad?Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit?Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig?Sino siya? Sino ang kanyang anak?
5 “Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.
6 Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.”
7 Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay:
8 Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin.
9 Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.