9 Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.
10 Ang alipin ay huwag mong sisiraan sa kanyang amo,baka isumpa ka niya't pagbayarin sa ginawa mo.
11 May mga taong naninira sa kanilang ama,masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.
12 May mga taong nagmamalinis sa sarili,ngunit ang totoo'y walang kasindumi.
13 May mga taong masyadong palalo, ang akala nila'y kung sino na sila.
14 May mga tao namang masyadong masakim,pati mahihirap, kanilang sinisiil.
15 Ang linta ay may dalawang anak, “Bigyan mo ako, bigyan mo ako,” ang lagi nilang hiling.May apat na bagay na kailanma'y di masiyahan: