1 Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama,sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.
2 Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi,kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi.
3 Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama,batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina,
4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi,“Sa aking mga aral buong puso kang manangan,sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
5 Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran,ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan.