1 Aking anak, salita ko sana ay ingatan,itanim sa isip at huwag kalimutan.
2 Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal,turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata.
3 Ito'y itali mo sa iyong mga kamay,at sikapin mong matanim sa iyong isipan.
4 Ang karunungan ay ituring mo na babaing kapatid,at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik.
5 Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya,nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.
6 Ako ay dumungaw sa bintanang bukás,at ako'y sumilip sa pagitan ng rehas,
7 ang aking nakita'y maraming kabataan,ngunit may napansin akong isang mangmang.