17 Ito'y aking winisikan ng pabangong mira,bukod pa sa aloe at mabangong kanela.
18 Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa,ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya.
19 Ako ay nag-iisa, asawa ko'y nasa malayo,pagkat siya ay umalis sa ibang lugar nagtungo.
20 Marami ang baon niyang salapi,pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.”
21 Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok,sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.
22 Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok,parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod,mailap na usa, sa patibong ay nahulog,
23 hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos.Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad,hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.