6 Ako ay dumungaw sa bintanang bukás,at ako'y sumilip sa pagitan ng rehas,
7 ang aking nakita'y maraming kabataan,ngunit may napansin akong isang mangmang.
8 Naglalakad siya sa may panulukan,ang tinutungo'y sa babaing tahanan.
9 Tuwing sasapit ang gabi, ito'y kanyang ginagawa,sa lalim ng hatinggabi, kapag tulog na ang madla.
10 Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan,mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.
11 Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot,di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot.
12 Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan,walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang.