11 “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.
12 Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan,itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan.
13 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan.Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan,sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.
14 Mayroon akong lakas at taglay na kakayahan,ganoon din naman, unawa't kapangyarihan.
15 Dahil sa akin, ang hari'y nakapamamahala,nagagawa ng mga pinuno ang utos na siyang tama.
16 Talino ng punong-bayan ay sa akin nagmumula,at ako rin ang dahilan, dangal nila't pagdakila.
17 Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal,kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan.