4 “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.”Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:
5 “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko,at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.
6 Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay,at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
7 Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta,ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta.
8 Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.
9 Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino,ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.
10 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.