14 at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.
15 Mga kapatid, alam ninyong ang sambahayan ni Estefanas ang unang nakakilala sa Panginoon sa Acaya, at itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod para sa mga hinirang ng Diyos. Nakikiusap ako sa inyo na
16 kayo'y pasakop sa mga tulad nila at sa sinumang kasama nilang nagpapakahirap sa paglilingkod.
17 Nagagalak ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ginagawa nila ang hindi ninyo magawâ para sa akin.
18 Sila ang nagpasigla sa akin, gayundin sa inyo. Pahalagahan ninyo ang ganitong uri ng mga tao.
19 Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila, at ng mga kapatid na nagtitipon sa kanilang bahay sa pangalan ng Panginoon.
20 Kinukumusta rin kayo ng lahat ng kapatid dito.Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.