15 Kahit magkaroon pa kayo ng sampung libong tagapagturo sa pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong ama. Sapagkat kayo'y naging mga anak ko sa pananampalataya kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo.
16 Kaya't isinasamo ko sa inyo, tularan ninyo ako.
17 Dahil dito, pinapunta ko riyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Paaalalahanan niya kayo tungkol sa mga prinsipyo ko sa buhay sa pagsunod kay Cristo Jesus. Ang mga prinsipyo ring iyan ang itinuturo ko sa bawat iglesya sa lahat ng dako.
18 Nagmamalaki ang ilan sa inyo dahil ang akala nila'y hindi na ako pupunta riyan.
19 Ngunit kung loloobin ng Panginoon, ako'y pupunta riyan sa lalong madaling panahon. Titingnan ko kung anong kapangyarihan ang ipinagmamalaki ng mga iyan, at hindi lamang ang kanilang sinasabi.
20 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Ano bang gusto ninyo? Pupunta ba akong may dalang pamalo, o taglay ang diwa ng pag-ibig at kahinahunan?