12 Ngunit patuloy kong gagawin ang ginagawa ko ngayon, upang huwag magkaroon ng katuwiran ang mga namamalita na ang paglilingkod nila ay tulad ng aming ginagawa.
13 Hindi sila tunay na apostol, kundi mga nandaraya lamang at nagkukunwaring mga apostol ni Cristo.
14 Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
16 Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang tulad ng isang hangal.
17 Ang sinasabi ko sa pagmamalaking ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagyayabang ng isang hangal.
18 Dahil marami ang nagyayabang tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magyayabang din.