15 Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
16 Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang tulad ng isang hangal.
17 Ang sinasabi ko sa pagmamalaking ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagyayabang ng isang hangal.
18 Dahil marami ang nagyayabang tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magyayabang din.
19 Nagtitiyaga kayo sa mga hangal na iyan, palibhasa'y matatalino kayo!
20 Pinapagtiisan ninyong kayo'y alipinin, sakmalin, pagsamantalahan, maliitin, o sampalin.
21 Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan!Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.