26 Sa malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga nagpapanggap na mananampalataya.
27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal.
28 Bukod sa lahat ng iyan ay inaalala ko pa araw-araw ang mga iglesya.
29 Kung may nanghihina, karamay nila ako, at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang aking kalooban.
30 Kung kailangang ako'y magyabang, ang ipagyayabang ko'y ang aking mga kahinaan.
31 Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman!
32 Nang ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lunsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako.