30 Kung kailangang ako'y magyabang, ang ipagyayabang ko'y ang aking mga kahinaan.
31 Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman!
32 Nang ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lunsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako.
33 Ngunit isinakay ako sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader upang ako'y makatakas.