5 Palagay ko nama'y hindi ako pahuhuli sa magagaling na mga “apostol” na iyan.
6 Maaaring hindi ako mahusay magsalita, ngunit hindi naman kapos sa kaalaman. Pinatunayan ko ito sa inyo sa lahat ng pagkakataon.
7 Ipinangaral ko sa inyo ang Magandang Balita ngunit hindi ako humingi ng kabayaran. Ako'y nagpakababá upang maitaas kayo. Masasabi bang kasalanan ang ginawa kong ito?
8 Ibang iglesya ang nagbibigay sa akin ng mga kailangan ko noong ako'y naglilingkod sa inyo; parang inaagawan ko sila, matulungan lamang kayo.
9 At nang ako'y kapusin diyan, hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ng mga kapatid sa Macedonia. Mula't sapul ay iniwasan kong makabigat sa inyo sa anumang paraan, at iyan ang gagawin ko habang panahon.
10 Habang ang katotohanan ni Cristo ay nasa akin, hindi ako titigil sa pagmamalaking ito kahit saan diyan sa Acaya.
11 Bakit ko ginagawa ito? Dahil ba sa hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos kung gaano ko kayo kamahal!