9 ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.
10 Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.
11 Ako'y nag-asal hangal, ngunit kayo ang nagtulak sa aking gumawa niyon. Kayo sana ang dapat pumuri sa akin, dahil kahit na wala akong kabuluhan, hindi naman ako nahuhuli sa magagaling na apostol na iyan.
12 Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako'y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay.
13 Paano nakalamang sa inyo ang ibang mga iglesya? Hindi sila nakalamang, liban sa pangyayaring hindi ako humingi sa inyo ng kahit anong tulong. Ipagpatawad ninyo kung iyon ay isang pagkukulang.
14 Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan, at hindi ako naging pabigat sa inyo. Kayo ang nais ko, hindi ang inyong ari-arian. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.
15 At ikaliligaya kong gugulin ang lahat, at ihandog pati ang aking buhay para sa inyong kapakanan. Dahil ba sa kayo'y minahal ko nang labis, kaya kaunti ang pagmamahal ninyo sa akin?