2 Dahil kung dudulutan ko kayo ng kalungkutan, sino pa ang aaliw sa akin? Hindi ba't kayo rin?
3 Kaya sumulat muna ako sa inyo, ayaw kong sa pagpunta ko riyan ay dulutan ng lungkot ang mga taong dapat magpaligaya sa akin. Sapagkat natitiyak kong ang aking kaligayahan ay kaligayahan din ninyong lahat.
4 Ang puso ko'y puno ng kalungkutan at pag-aalala nang sulatan ko kayo, at maraming luha ang tumulo habang sinusulat ko iyon. Sumulat ako sa inyo hindi upang kayo'y dulutan ng kalungkutan kundi upang ipadama kung gaano kalaki ang aking pagmamahal sa inyo.
5 Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin ginawa; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan.
6 Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo.
7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob.
8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.