1 Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos.
2 Sapagkat sinasabi niya,“Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas!
3 Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod.
4 Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan.
5 Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, at di kumain nang ilang araw.