6 Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, at kabutihan upang ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ng aming tapat na pag-ibig,
7 tapat na pananalita, at ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga.
8 Naranasan naming maparangalan at siraan ng puri, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi;
9 itinuturing na di kilala, gayong kami'y kilalang-kilala; itinuturing na namamatay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi kami namamatay.
10 Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.
11 Mga kapatid na taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Ibinukas namin ang puso namin sa inyo.
12 Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin.