1 Mga minamahal, sapagkat ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.
2 Bigyan ninyo kami ng puwang sa inyong puso. Kailanma'y hindi namin pininsala, siniraan o pinagsamantalahan ang sinuman sa inyo.
3 Sinasabi ko ito hindi upang hatulan kayo sapagkat gaya ng sinabi ko, mahal na mahal namin kayo at magkasama tayo sa buhay at kamatayan.
4 Lubos ang aking pagtitiwala sa inyo; lagi ko kayong ipinagmamalaki! Sa kabila ng lahat naming tinitiis, ang nadarama ko'y kaaliwan; nag-uumapaw sa puso ko ang kagalakan.
5 Nang kami'y nasa Macedonia, hindi rin kami nakapagpahinga. Sa lahat ng pagkakataon ay naranasan namin ang matinding hirap, panunuligsa mula sa mga di-kaanib sa iglesya at takot naman na nasa aming puso.
6 Subalit ang mga naghihinagpis ay hindi pinababayaan ng Diyos; inaliw niya kami sa pagdating ni Tito.