4 Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.
5 Mahal kong kaibigan, ang iyong paglilingkod sa mga kapatid kahit sa mga hindi mo kilala ay nagpapatunay na tapat ka.
6 May mga nagbabalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos,
7 sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos.
8 Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.
9 Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo.
10 Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.