7 sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos.
8 Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.
9 Sumulat ako sa iglesya subalit hindi binigyang pansin ni Diotrefes ang aking kapangyarihan; ang hangad niya'y siya ang kilalaning pinuno ninyo.
10 Kaya't pagpunta ko diyan, uungkatin ko ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasinungalingang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan doon; ayaw niyang tanggapin ang mga kapatiran na dumarating at hinahadlangan pa niya at itinitiwalag sa iglesya ang mga nais tumanggap sa mga iyon.
11 Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay anak ng Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos.
12 Mabuti ang sinasabi ng lahat tungkol kay Demetrio, at iyan ay makikita sa kanyang magandang pag-uugali. Iyan din ang aming patotoo, at alam mong totoo ang sinasabi namin.
13 Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito.