1 Mula kay Pablo, isang bilanggo dahil kay Cristo Jesus, at mula kay Timoteo na ating kapatid—Para kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa,
2 at para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming naglilingkod sa Panginoon.
3 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
4 Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin