2 at para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming naglilingkod sa Panginoon.
3 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
4 Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin
5 sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus.
6 Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.
7 Kapatid, ang pag-ibig na iyon ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.
8 Kaya nga, malakas ang loob kong iutos sana sa iyo ang nararapat gawin bilang kapatid mo kay Cristo,