1 Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa,
2 lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.
3 Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.
4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6 Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,at naging katulad ng isang alipin.Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao,