6 Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,at naging katulad ng isang alipin.Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao,
8 nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan,maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesusay luluhod at magpupuri ang lahatng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
11 At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama,ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.
12 Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos,