22 “‘Sino ba ang iyong nilalait at pinagtatawanan,at hinahamak ng iyong pagsigaw?Hindi mo na ako iginalang,ang Banal na Diyos ng Israel!
23 Ang paghamak mo kay Yahweh ay ipinahayag ng iyong mga sugo.Ang ipinagmamalaki mo'y maraming karwahe,na kayang akyatin ang matataas na bundok ng Lebanon.Pinagpuputol mo ang malalaking sedarat mga piling sipres doon;napasok mo rin ang liblib na lugar,makapal na gubat ay iyong ginalugad.
24 Humukay ka ng maraming balon,tubig ng dayuhan ay iyong ininom.Ang lahat ng batis sa bansang Egiptoay pawang natuyo nang matapakan mo.
25 “‘Tila hindi mo pa nababalitaanang aking balak noon pa mang araw?Ang lahat ng iyon ngayo'y nagaganapmatitibay na lunsod na napapaligiran ng pader,napabagsak mong lahat at ngayo'y bunton ng pagkawasak.
26 Ang mga nakatira sa mga nasabing bayan,pawang napahiya at ang lakas ay naparam.Ang kanilang katulad at kabagayay halamang lanta na sumusupling pa lamang,natuyong damo sa ibabaw ng bubong.
27 “‘Lahat ng ginagawa mo'y aking nalalaman,ang pinagmulan mo at patutunguhan.Hindi na rin lingid ang iyong isipan,alam kong sa akin ika'y nasusuklam.
28 Dahil sa matinding poot mo sa akin,at kahambugan mong sa aki'y di lihim,ang ilong mong iya'y aking tatalianat ang iyong bibig, aking bubusalan,ibabalik kita sa iyong pinagmulan.’”