2 Mga Hari 4:31 RTPV05

31 Samantala, nauna si Gehazi sa bahay ng Sunamita at ipinatong sa bangkay ng bata ang tungkod ni Eliseo. Ngunit walang palatandaang ito'y mabubuhay. Kaya, bumalik siya at sinalubong si Eliseo. Sinabi niya, “Hindi po nagising ang bata.”

Basahin ang kumpletong kabanata 2 Mga Hari 4

Tingnan 2 Mga Hari 4:31 sa konteksto