1 Minsan, lumapit kay Eliseo ang pangkat ng mga propetang pinapamahalaan niya. Sinabi nila, “Maliit na po para sa amin ang aming tirahan.
2 Kung papayag kayo, pupunta kami sa Jordan at puputol kami roon ng kahoy na gagawin naming bahay.” Pumayag naman si Eliseo.
3 Sinabi ng isa sa kanila, “Kung maaari po ay sumama kayo sa amin.”“Sige, sasama ako,” sagot niya.
4 At pumunta nga sila sa Jordan upang pumutol ng kahoy.