14 At bumalik na si Hazael kay Ben-hadad.Tinanong siya nito, “Ano ang sinabi sa iyo ni Eliseo?”Sumagot siya, “Gagaling daw po kayo,” sagot ni Hazael.
15 Ngunit kinabukasan, binasa ni Hazael ang isang kumot at ibinalot sa mukha ng hari hanggang sa ito'y mamatay.At si Hazael ang sumunod na hari ng Siria.
16 Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel, si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda.
17 Tatlumpu't dalawang taon siya nang maging hari, at walong taóng naghari sa Jerusalem.
18 Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Sinundan niya ang yapak ng mga naging hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab na kanyang biyenan.
19 Gayunman, hindi pa rin ibinagsak ni Yahweh ang Juda alang-alang sa lingkod niyang si David at sa pangako niya rito na maghahari ang kanyang mga susunod na salinlahi sa habang panahon.
20 Sa panahon ni Jehoram, naghimagsik ang Edom laban sa Juda at naglagay ng sariling hari.