3 Isacar, Zebulun, Benjamin,
4 Dan, Neftali, Gad at Asher;
5 silang lahat ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto noon.
6 Paglipas ng panahon, namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi.
7 Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at halos napuno nila ang buong lupain.
8 Lumipas ang panahon at nagkaroon ang Egipto ng ibang hari na hindi nakakakilala kay Jose.
9 Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila'y patuloy na dumarami at lumalakas kaysa atin.