1 Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh:“Itong si Yahweh ay aking aawitan, sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay;ang mga kabayo't kawal ng kaaway, sa pusod ng dagat, lahat natabunan.
2 Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.Siya'y aking Diyos na aking pupurihin,Diyos ng aking ama, aking dadakilain.
3 Siya'y isang mandirigma;Yahweh ang kanyang pangalan.
4 “Mga karwahe't kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon,sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling.
5 Sa malalim na dagat sila'y natabunan,tulad nila'y batong lumubog sa kailaliman.
6 Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan,dinudurog nito ang mga kaaway.
7 Sa dakila mong tagumpay, nilulupig ang kaaway;sa matinding init ng iyong poot, para silang dayaming tinutupok.