5 Ang mga kasuotang ipapagawa mo ay gagamitan ng ginto, lanang asul, murado at pula, at pinong sinulid na lino.
6 “Ang efod ay gagawin nilang yari sa ginto, lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula, at hinabing telang lino at buburdahan nang maganda.
7 Palagyan mo ito ng dalawang tali sa balikat na siyang magdudugtong sa harap at likod.
8 Kabitan ito ng pamigkis na yari din sa ginto, lanang asul, kulay ube at pula, at hinabing telang lino.
9 “Kumuha ka ng dalawang batong kornalina at ipaukit mo roon ang pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel,
10 tig-anim sa bawat bato ayon sa pagkakasunod ng kanilang kapanganakan.
11 Ipagawa mo ito sa mahusay na platero at ipakabit mo ito sa lalagyang ginto.