20 Gumawa rin sila ng mga patayong haliging gawa sa akasya para sa tabernakulo.
21 Bawat haligi ay 4 na metro ang haba at 0.7 metro naman ang lapad.
22 Bawat haligi ay nilagyan nila ng mitsa para sa pagdurugtong.
23 Dalawampung haligi ang ginawa nila para sa gawing timog
24 at apatnapung patungang pilak na may suotan ng mitsa.
25 Dalawampu rin ang ginawa nilang haligi sa gawing hilaga
26 at apatnapung patungang pilak din, dalawa sa bawat haligi.