26 at apatnapung patungang pilak din, dalawa sa bawat haligi.
27 Para sa likod, sa gawing kanluran ay anim na haligi
28 at dalawa naman para sa mga sulok.
29 Ang mga haligi sa magkabilang sulok ay magkadikit mula ibaba hanggang itaas, sa may unang argolya.
30 Samakatuwid, walo ang haliging nagamit sa likod at may tigalawang patungang pilak ang bawat isa.
31 Gumawa rin siya ng pahalang na balangkas na yari sa akasya, lima sa isang gilid,
32 lima sa kabila at lima rin sa likod.