8 Lahat ng pinakamahusay na manggagawa ang gumawa sa Toldang Tipanan. Ang ginamit dito ay sampung pirasong kurtina na hinabi sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula na may burdang larawan ng kerubin.
9 Ang haba ng bawat piraso ay 13 metro at 2 metro naman ang lapad.
10 Ang mga ito ay pinagkabit-kabit nila nang tiglilima.
11 Gumawa sila ng mga silo na yari sa taling asul at ikinabit sa gilid ng bawat piraso,
12 tiglilimampung silo bawat isa.
13 Gumawa sila ng limampung kawit na ginto at sa pamamagitan nito'y pinagkabit ang dalawang piraso. Kaya ang sampung pirasong damit na ginamit sa tabernakulo ay parang isang piraso lamang.
14 Pagkatapos, gumawa sila ng labing-isang pirasong kurtina na gawa sa balahibo ng kambing upang gawing takip sa ibabaw ng tabernakulo.