1 Ihayag mo ang iyong panaghoy para sa mga pinuno ng Israel.
2 Sabihin mo:Ang iyong ina ay parang isang leon.Pinalaki niya ang kanyang mga anak,nakatira siyang kasama ng karamihan sa piling ng mababangis na leon.
3 Isa sa kanyang mga anak ay tinuruan niya;kaya ito ay natutong manila at manlapa ng tao.
4 Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa paligid,hinuli siya sa patibong, ikinulong at dinala sa Egipto.
5 Naghintay siya nang naghintay hanggang sa mawalan ng pag-asa;kaya, inaruga ang isa pang anak niya,na nang lumaki'y naging isang mabangis na leon.