3 Isa sa kanyang mga anak ay tinuruan niya;kaya ito ay natutong manila at manlapa ng tao.
4 Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa paligid,hinuli siya sa patibong, ikinulong at dinala sa Egipto.
5 Naghintay siya nang naghintay hanggang sa mawalan ng pag-asa;kaya, inaruga ang isa pang anak niya,na nang lumaki'y naging isang mabangis na leon.
6 Sumama siya sa ibang leong tulad niyaat siya'y natutong manlapa ng tao.
7 Iginuho niya ang mga tanggulan ng kalaban,at kanyang winasak ang kanilang mga bayan.Ang buong lupain, lahat ng mamamayan,ay nangingilabot sa kanyang atungal.
8 At nagkaisa laban sa kanya ang mga bansa sa palibot.Iniumang nila ang kanilang mga lambatat siya ay nahulog sa kanilang patibong.
9 Siya ay ikinulong nila't dinala sa hari ng Babilonia;pinabantayan siyang mabuti.Mula noon, ang ungal niya'y di na narinigsa mga bundok ng Israel.