2 “Ezekiel, anak ng tao, isulat mo ang araw na ito, sapagkat ngayon ay pasisimulan ng hari ng Babilonia ang pagkubkob sa Jerusalem.
3 Ilahad mo ang isang talinhaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh:Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
4 Ilagay rito ang mga piling bahagi,ang hita at pitso,at punuin din ng maiinam na butong lagain.
5 Kunin ang karneng ito sa piling tupa;isalang at gatungan.Pakuluan nang pakuluan ang mga laman at butong ito.”
6 Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: “Kawawa ka, lunsod na mamamatay-tao, kalderong puno ng kalawang na hindi na matatanggal. Pira-piraso mo itong hanguing lahat.
7 Sariwa pa ang dugong kanyang pinadanak sa lunsod. Ito'y sa bato pinatulo at di sa tuyong lupa upang matabunan sana ng alikabok.
8 Iniwan ko ang dugo sa ibabaw ng malaking bato upang hindi maitago. Sa gayon, madali akong makapaghihiganti.”